Red tagging, rape joke ni Duterte pinagtanggol ng Palasyo

Walang dapat na ipaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kaugnay sa paraan ng kanyang pananalita, makasakit man ito ng damdamin o hindi.

The post Red tagging, rape joke ni Duterte pinagtanggol ng Palasyo first appeared on Abante.

red tagging rape joke ni duterte pinagtanggol ng palasyo - Red tagging, rape joke ni Duterte pinagtanggol ng Palasyo
Duterte 12 - Red tagging, rape joke ni Duterte pinagtanggol ng Palasyo

Walang dapat na ipaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kaugnay sa paraan ng kanyang pananalita, makasakit man ito ng damdamin o hindi.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng puna ng mga kritiko sa Presidente dahil sa pagigng prangka nito at paraan ng pagbibiro gaya ng rape at sex jokes na hindi nakakalampas sa kanyang mga kritiko.

Sinabi ni Roque na ganoon na ang Pangulo, at sa kabila ng mga puna at banat sa kanya ay tinanggap at hinalal siya ng mga Pilipino.

“Sa mula’t mula ganyan na si Presidente, tinanggap naman siya ng taumbayan at hindi na po siya magbabago ‘no para lamang matuwa iyong ilan sa ating lipunan. No explanation required. Ganoon na po si Presidente and we accepted him as such,” ani Roque.

Mayorya aniya ng mga Pilipino ang bumoto sa Pangulo at ang mga kritiko lamang ang hindi natutuwa dahil may mga pansariling interes ang mga ito na pinoprotektahan.

“Bago pa siya hinalal binatikos na siya tungkol sa rape remarks niya, hinalal pa rin siya. Its a political question which has been addressed by the Filipino electorate and of course ratified by 91% of the people who support him,” dagdag ni Roque.

Kaugnay naman sa isyu ng red tagging ng Presidente sa mga estudyante ng University of the Philippines, sinabi ng kalihim na hindi naman maikakailang marami naman talagang aktibista at sa katunayan si Jose Maria Sison na founder ng kilusang komunista ay dating professor sa UP.

“That is something that is known by people, it’s not necessarily say na lahat kayo komunista, pero marami talagang nagri-recruit diyan and it’s a fact,” wika ni Roque.

Matatandaang nagbanta ang Pangulo na puputulin niya ang pondong ibinibigay sa UP dahil walang ginawa aniya ang mga estudyante kundi puro kilos protesta laban sa gobyerno gayong paaral sila ng pamahalaan at ang pera ng taumbayan ang ipinantutustos sa pag-aaral ng mga ito. (Aileen Taliping)

The post Red tagging, rape joke ni Duterte pinagtanggol ng Palasyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *