RCBC-IFC sabit sa $254M pautang sa ‘dirty’ coal

Iniimbestigahan ng isang sangay ng World Bank (WB) ang pagpapautang ng International Finance Corp. (IFC) sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ng mga Yuchengco dahil sa pagpapautang nito sa mga coal-fired power plant na nakasisira sa kalikasan at lumalabag sa karapatan ng mga indigenous people.

rcbc ifc sabit sa 254m pautang sa dirty coal - RCBC-IFC sabit sa $254M pautang sa ‘dirty’ coal
ABANTE coal power plant - RCBC-IFC sabit sa $254M pautang sa ‘dirty’ coal

Iniimbestigahan ng isang sangay ng World Bank (WB) ang pagpapautang ng International Finance Corp. (IFC) sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ng mga Yuchengco dahil sa pagpapautang nito sa mga coal-fired power plant na nakasisira sa kalikasan at lumalabag sa karapatan ng mga indigenous people.

Sa pangunang pag-aaral ng Office of the Compliance Advisor Ombudsman (CAO) ng WB, eligible ang complaint na inihain ng Philippine Movement for Climate Justice sa CAO dahil sa pagpapautang ng IFC sa RCBC. Kasama ng PMCH ang Bank Information Center Europe at Inclusive Development International.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang sinampa ang class suit laban sa IFC dahil sa pagpapautang sa RCBC at nabuhayan ng loob ang mga naghain ng reklamo sa CAO.

“We are please to see IFC ta­king this important step to close the $20 bilyon financial intermediary loophole in the World Bank’s 2013 pledge to stop funding coal,” sabi ni David Pred, executive director ng Inclusive Development International.

Ayon sa BIC Europe, nasa $254 milyon ang pondo ng IFC sa RCBC at nagpautang ito ng milyon-milyon para sa mga nagtatayo ng coal fired power plants sa Pilipinas.

Ayon sa BIC Europe, nagkaroon na ng moratorium ang WB kung saan bahagi ang IFC laban sa pagpapautang sa coal dahil sa pinalalala nito ang climate change kung saan isa sa Pilipinas sa isa sa mga most vulne­rable at walang dahilan para sa mga bangko ng kumukuha ng pondo sa publiko na suportahan ang mga proyektong ito.

“In this time of climate crisis, there is no justification for publicly-funded banks to continue propping up the dirty and outdated fossil fuel industry,” sabi ni Kate Geary, codirector ng BIC Europe.

Hindi lang pagpapautang sa coal ang problema ng ilan sa RCBC. Sa bangko ng mga Yuchengco dumaan ang ninakaw na $81 milyon sa Bangladesh Central Bank na hindi pa rin ba­yad. Sinisi ng RCBC sa iisang bank manager ang pangyayari kahit na marami pang nag-apruba sa pagkuha ng nakaw na pera sa bangko. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *