Rapist todas sa entrapment operation

ISANG hepe ng barangay tanod na hinihinalang tulak ng shabu at paulit-ulit nanggahasa sa isang babae ang napatay ng mga pulis sa isang entrapment operation sa San Jose Del Monte, Bulacan kamakalawa.

The post Rapist todas sa entrapment operation appeared first on Abante News Online.

rapist todas sa entrapment operation - Rapist todas sa entrapment operation
todas dead - Rapist todas sa entrapment operation

By Jun Borlongan

ISANG hepe ng barangay tanod na hinihinalang tulak ng shabu at paulit-ulit nanggahasa sa isang babae ang napatay ng mga pulis sa isang entrapment operation sa San Jose Del Monte, Bulacan kamakalawa.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan PNP, napatay si alyas Boyet Tuando, Chief Tanod ng Brgy. Citrus, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat ni PLt. Col. Orlando Castil, Jr., hepe ng San Jose Del Monte City Police, bandang alas-4:30 nang hapon nitong Mayo 24 nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya sa reklamo ng babaeng itinago sa pa­ngalang Lily at biktima ng paulit-ulit na panggagahasa ni Tuando.

Nagbanta si Tuando na papatayin si Lily kapag hindi ito nakipag-sex sa kanya kaya nagkasundo silang magkita ngunit nakatunog ang suspek sa entrapment kaya nagkabarilan, napatay si Tuando ng mga pulis at nakaligtas naman si Lily.

The post Rapist todas sa entrapment operation appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *