Rapist-killer napatay sa drug bust

ISANG 25-anyos na binata na nasa drug watchlist ng pulisya at gumahasa at pumatay sa isang 19 na dalaga noong nakaraang linggo ang napatay makaraang manlaban sa awtoridad sa buy-bust ope­ration sa Barangay Pajo, Meycauayan City, Bulacan kahapon nang madaling-araw.

rapist killer napatay sa drug bust - Rapist-killer napatay sa drug bust
patay 6 - Rapist-killer napatay sa drug bust

ISANG 25-anyos na binata na nasa drug watchlist ng pulisya at gumahasa at pumatay sa isang 19 na dalaga noong nakaraang linggo ang napatay makaraang manlaban sa awtoridad sa buy-bust ope­ration sa Barangay Pajo, Meycauayan City, Bulacan kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director ang napatay na rapist-kil­ler na si Jomari Satur y dela Cruz, alyas Tomtom, 25-anyos, binata, tubong Zamboanga City at taga-Maligaya St., Barangay Pajo, Meycaua­yan City na namatay sa operasyon.

Narekober ng SOCO team sa suspek na si Satur ang isang caliber revolver at 11 pakete ng shabu at nasa drug watchlist ng Meycaua­yan City PNP.

Ang suspek ang siyang gumahasa at sumaksak sa dibdib, tagi­liran ng biktimang si Lezzel Jadloz y Mendova, 19, dalaga at kapitbahay ng suspek.

Ala-una nang mada­ling-araw nang magkasa ng buy-bust operation ang drug enforcement init sa pamumuno ni P/Lt. Col. Olivar sa De Vera St., Barangay Pajo, ngunit nakatunog ang suspek na pulis ang katransakyon kaya bumunot ito ng baril at lumaban nang sabayan dahil sa kinakaharap na kasong rape at pagpatay. (Jun Borlongan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *