Randy David, Fukuoka award grand prize winner

NASUNGKIT ng Pinoy sociologist na si Randy David ang grand prize sa taunang Fukuoka awards na nagbibigay ng pagkilala sa mga grupo o indibidwal na makapagpreserba at lumikha ng kultura sa Asya.

The post Randy David, Fukuoka award grand prize winner appeared first on Abante News Online.

randy david fukuoka award grand prize winner - Randy David, Fukuoka award grand prize winner
ABANTE LOGOrand - Randy David, Fukuoka award grand prize winner

NASUNGKIT ng Pinoy sociologist na si Randy David ang grand prize sa taunang Fukuoka awards na nagbibigay ng pagkilala sa mga grupo o indibidwal na makapagpreserba at lumikha ng kultura sa Asya.

Inanunsiyo ng Japanese embassy sa Pilipinas na si David ang unang Pilipino na tumanggap ng grand prize mula ng itatag ang Fukuoka awards sa Fukuoka City, Japan noong 1990.

Bukod sa grand prize, dalawa pang Fukuoka awards ang ipinamahagi, ang academic prize na napunta kay Leonard Blussé ng Nether-lands, isang historian na eksperto sa Southeast Asia.

Habang ang arts and culture prize ay napunta kay stage director Sato Makoto ng Japan.

“Professor Randolf David has played a dynamic part in achievin­g social justice in the Philippines by sharing his knowledge as a socio-logist widely through university education, TV programs, and newspaper columns, and has made great efforts to promote academic and cultural exchange among Asian countries and to deepen their mutual understanding,” nakasaad sa kanyang citation.

Si David ay nakatatandang kapatid ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-drug campaign na tumanggap rin ng Ka Pepe Diokno Human Rights Award.

Maliban kay David ay limang Pinoy rin ang tumanggap ng Fukuoka Prize sa mga nakalipas na taon na kinilalang sina architect Leandro V. Locsin, film director Marilou Diaz Abaya, historian Reynaldo Ileto, filmmaker and artist Kidlat Tahimik, at public historian Ambeth Ocampo. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Randy David, Fukuoka award grand prize winner appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *