Random drug test sa police trainee ipatutupad ni Sinas

Palalakasin ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas ang mga hakbang nito laban sa iligal na droga sa mga police trainee.

The post Random drug test sa police trainee ipatutupad ni Sinas first appeared on Abante.

random drug test sa police trainee ipatutupad ni sinas - Random drug test sa police trainee ipatutupad ni Sinas
Sinas 2 - Random drug test sa police trainee ipatutupad ni Sinas

Palalakasin ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas ang mga hakbang nito laban sa iligal na droga sa mga police trainee.

Sa kanyang speech sa 15th founding anniversary ng PNP Training Service nitong Huwebes, sinabi ni Sinas na nais niyang magpatupad ng random drug testing sa mga magpu-pulis.

“On the first day, all participants should undergo the random drug test. Ang gagawin n’yo diyan, alam n’yo ‘yung style, first day ipon, ipunin then i-drug test,” wika niya.

“So effectively immediately, pag mag-open tayo ng calls on the first day, maski ano pa ‘yang opening mo, after that, cordon the area then have the drug test,” dagdag niya.

Umaasa si Sinas na tumatak sa isipan ng mga magpu-pulis habang nasa training na bawal ang gumamit ng droga, bawal ang mag-protect ng droga, at bawal tumanggap ng suhol galing sa mga drug lord. (IS)

The post Random drug test sa police trainee ipatutupad ni Sinas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *