Rally kontra RTC judge sa Baldo bail kinasa

MAGSASAGAWA ng kilos-protesta sa harap ng Legazpi City Regional Trial Court (RTC) ang mga tagasuporta ng pinaslang na Ako Bicol Party-list Rodel Batocabe matapos payagan ng korte na makapagpiyansa ang pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa kanya.

rally kontra rtc judge sa baldo bail kinasa - Rally kontra RTC judge sa Baldo bail kinasa
baldo 1 - Rally kontra RTC judge sa Baldo bail kinasa

MAGSASAGAWA ng kilos-protesta sa harap ng Legazpi City Regional Trial Court (RTC) ang mga tagasuporta ng pinaslang na Ako Bicol Party-list Rodel Batocabe matapos payagan ng korte na makapagpiyansa ang pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa kanya.

Ayon kay House Justice Committee vice-chair at Ako Bicol Party-list Rep.
Alfredo Garbin, magsasagawa ng isang prayer rally sa harap ng RTC building sa Rawis district ang mga tagasuporta ni Batocabe upang kondenahin si Legazpi City RTC Branch 10 Judge Theresa Loquillano matapos nitong payagang makapagpiyansa kamakailan si dating Daraga, Albay Mayor Carl ‘Awin’ Baldo.

Ito’y sa kabila umano na may matibay na ebidensya laban kay Baldo na itinuro ng mga bumaril kay Batocabe bilang pangunahing nasa likod krimen noong Disyembre 2018.

“Tuloy bukas sa Harap ng RTC Legazpi. Mostly mga supporters ni Rodel na natulungan niya—mga barangay health workers and senior citizens (ang dadalo),” saad ni Garbin.

Sa hiwalay na pahayag, giniit ng pamunuan ng Ako Bicol Party-list sa kanilang Facebook page itutuloy nito ang pakikipaglaban para makamit ang mailap na hustisya para sa kanilang kinatawan
“A nation, a town, a community and a family—who mourned the loss of a true and selfless leader—now calls for Justice for Rodel M. Batocabe!”
Si Batocabe at ang kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz, ay walang habas na pinaulanan ng bala ng anim na armadong nakamotorsiklo habang dumadalo sa isang gift-giving program para sa mga senior citizen at may mga kapansanan sa Barangay noong Disyembre 23, 2018.

Tatakbo dapat si Batocabe bilang alkalde ng Daraga bago siya pinaslang.
Nitong Martes, nagsuot ang mga dating kasamahan ni Batocabe sa Kamara ng button pin na may imahe niya upang kundenahin ang pagpayag ng korte na makapagpiyansa si Baldo. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *