Quirino mayor nag-resign, sakit nakaapekto sa trabaho

Bumaba sa kanyang posisyon si Maddela, Quirino Mayor Florante Ruiz dahil umano sa iniindang karamdaman na aniya’y pumipigil sa kanya upang gampanan ang tungkulin.

The post Quirino mayor nag-resign, sakit nakaapekto sa trabaho first appeared on Abante.

quirino mayor nag resign sakit nakaapekto sa trabaho - Quirino mayor nag-resign, sakit nakaapekto sa trabaho
Maddela Quirino Mayor Florante Ruiz - Quirino mayor nag-resign, sakit nakaapekto sa trabaho

Bumaba sa kanyang posisyon si Maddela, Quirino Mayor Florante Ruiz dahil umano sa iniindang karamdaman na aniya’y pumipigil sa kanya upang gampanan ang tungkulin.

Ginawa umano ito ng opisyal upang maging halimbawa sa iba pang mga nahalal sa pamahalaan na dumaranas ng karamdaman. Dahil naman dito, pumalit kay Ruiz sa pagkaalkalde si Vice Mayor Rimel Tolentino.

Bago pa ang pagbibitiw ni Ruiz, si Tolentino na umano ang pansamantalang humahalili sa alkalde bilang officer-in-charge sa bayan na napagigitnaan ng Isabela at Aurora.

Pumalit naman sa pagkabise alkalde ay si Atty. Junard Ramos, na top councilor ng nasabing bayan. Pawang nanumpa na sa kanilang mga bagong posisyon sina Tolentino at Ramos nitong Biyernes.

The post Quirino mayor nag-resign, sakit nakaapekto sa trabaho first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *