Quincentennial celebration ng CBCP sinuspendi

Ipinagpaliban ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang quincentennial celebration o makasaysayang pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas dahil sa patuloy na banta ng COVID19.

The post Quincentennial celebration ng CBCP sinuspendi first appeared on Abante.

quincentennial celebration ng cbcp sinuspendi - Quincentennial celebration ng CBCP sinuspendi
cbcp - Quincentennial celebration ng CBCP sinuspendi

Ipinagpaliban ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang quincentennial celebration o makasaysayang pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas dahil sa patuloy na banta ng COVID19.

Nabatid sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na dapat ay magtatapos ang aktibidad sa Abril 2021 pero sa halip ay magiging launching pa lamang ito ng pagdiriwang.

Magtatagal ang selebrasyon ng isang taon at nakatakdang magtapos sa Abril 2022.

Ayon kay acting CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David nagdesisyon silang ipagpaliban ang pagdiriwang ng makasaysayang okasyon dahil sa krisis pangkalusugan, hindi lamang sa bansa, kundi maging sa buong mundo.

Nagkaisa ang mga Obispo na gawin ang kick-off celebration sa Abril 17, Easter Sunday. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Quincentennial celebration ng CBCP sinuspendi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *