Quarantine sa mga eroplano `di na kailangan

Hindi na kinakailangan magtakda ng isang cabin na magsisilbing isolation o quarantine area mga kompanya ng eroplano para sa mga pasaherong hinihinalang may COVID-19.

The post Quarantine sa mga eroplano `di na kailangan first appeared on Abante.

quarantine sa mga eroplano di na kailangan - Quarantine sa mga eroplano `di na kailangan
abante erolplano - Quarantine sa mga eroplano `di na kailangan

Hindi na kinakailangan magtakda ng isang cabin na magsisilbing isolation o quarantine area mga kompanya ng eroplano para sa mga pasaherong hinihinalang may COVID-19.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inalis ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang naturang regulasyon sa mga kompanya ng eroplano.

“Kasi may requirements na ang airlines na eighter PCR or antigen. Bawal symptomatics din,” paliwanag ni Roque.

Inatasan din aniya ng IATF ang mga pamahalaang lokal na maging maluwag sa entry protocol para sa mga eroplano kapag panahong may emergency tulad ng bagyo, pagsabog ng bulkan o emergency landing. (Prince Golez)

The post Quarantine sa mga eroplano `di na kailangan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *