QC umorder ng bakuna sa AstraZeneca

Nag-advance order na ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng 750,000 doses ng COVID-19 bakuna na gawa ng AstraZeneca.
The post QC umorder ng bakuna sa AstraZeneca first appeared on Abante.


Nag-advance order na ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng 750,000 doses ng COVID-19 bakuna na gawa ng AstraZeneca.
Ito’y matapos aprubahan ng City Council na pumasok sa isang tripartite agreement sa National Task Force Against COVID-19 at sa AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines para sa advance order ng bakuna nito.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, prayoridad nilang mabakunahan ang mga health worker, senior citizen, mga person with disability, at ibang pribadong sektor na nirekomenda ng World Health Organization.
Una nang naglaan ng P1 bilyong pondo ang Quezon City para makabili ng COVID-19 vaccine at iba pang supply na kailanganin para sa pagbabakuna. (Riz Dominguez)
The post QC umorder ng bakuna sa AstraZeneca first appeared on Abante.