QC mall naglibre sa parking

Ikinatuwa ng local­ government ng Quezon City ang inisyatiba ng mall operator na buksan ang kanilang parking area para magamit na public transport terminal upang mabawasan ang trapik sa Novaliches.

qc mall naglibre sa parking - QC mall naglibre sa parking
ABANTE parking - QC mall naglibre sa parking

Ikinatuwa ng local­ government ng Quezon City ang inisyatiba ng mall operator na buksan ang kanilang parking area para magamit na public transport terminal upang mabawasan ang trapik sa Novaliches.

Inalok ito ng ma­nagement ng Crossroads Tandang Sora kay Mayor Joy Belmonte sa spot inspection nito sa Novaliches.

Sinabi ni Belmonte na malaking tulong ang free parking ng mga jeepney, UV Express at tricycle para maibsan ang trapik sa nasabing lugar.

Ang mall ay matatagpuan sa kanto ng Quirino Highway at Tandang Sora Avenue kung saan matindi ang trapik bawat araw.

Umaasa naman ang alkalde na gayahin din ito ng ibang kompanya upang makatulong sa pagbawas ng trapik sa kanilang lugar.

Partikular na nanawagan ito sa SM, Robinsons at sa mga shopping mall ng mga Ayala na sana’y ma­ging bahagi din ng Bayanihan sa Lansa­ngan program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *