PWD nanlimos para sa mga binagyo

Kahit may kapansanan, gumawa ng paraan ang isang person with disability (PWD) para makapag-donate sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

The post PWD nanlimos para sa mga binagyo first appeared on Abante.

pwd nanlimos para sa mga binagyo - PWD nanlimos para sa mga binagyo
Romeo Menil - PWD nanlimos para sa mga binagyo

Kahit may kapansanan, gumawa ng paraan ang isang person with disability (PWD) para makapag-donate sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Sa Facebook post ng Marikina Public Information Office (PIO), binida si Romeo Menil, 50-anyos, na binigay ang nakalap na P12,390 para sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina. Nag-ikot umano sa daan si Menil para makakolekta ng donasyon at makatulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Si Menil ay taga-Brgy. Mambugan sa Antipolo, katabing lungsod ng Marikina na naapektuhan din ng pagbaha dulot ng bagyong Ulysses.

Mismong si Marikina Mayor Marcy Teodoro ang tumanggap ng donasyon ni Menil. “Lubos ang pasasalamat ni Mayor Marcy sampu ng bawat Marikeño sa kanyang kabutihang loob,” saad sa post ng Marikina PIO. (RP)

The post PWD nanlimos para sa mga binagyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *