PUV driver buking sa P1.5M shabu

ARESTADO ang isang public utility vehicle (PUV) driver matapos mahulihan ng tinatayang P1.5 mil­yong halaga ng shabu sa ikinasang drug buy-bust operation, kamakalawa sa San Rafael, Barangay 9, Ma-a, Davao City.

The post PUV driver buking sa P1.5M shabu appeared first on Abante News Online.

puv driver buking sa p1 5m shabu - PUV driver buking sa P1.5M shabu
shabu 1 - PUV driver buking sa P1.5M shabu

ARESTADO ang isang public utility vehicle (PUV) driver matapos mahulihan ng tinatayang P1.5 mil­yong halaga ng shabu sa ikinasang drug buy-bust operation, kamakalawa sa San Rafael, Barangay 9, Ma-a, Davao City.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act si Akmad Talaba Arab, 42-anyos.

Nahuli si Arab matapos makipagtransaksyon sa isang undercover cop na umaktong buyer para makabili ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Nakumpiska mula kay Arab ang lima pang sachet na naglalaman ng shabu.

Kasama umano si Arab sa listahan ng drug watch list at itinuturing na high-level target na nagtutulak ng droga.

Samantala, una nang nahuli si Celesthil Dingcong Nani, alyas Abdul, 43-anyos, sa ikinasang buy-bust operation sa Block 74, Piapi Boulevard, Brgy. 21-C, Huwebes nang gabi.

Nakuha mula kay Nani, ang 11 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P30,000 na kabilang din sa listahan ng drug watch list ng pulisya. (Vick Aquino)

The post PUV driver buking sa P1.5M shabu appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *