Puslit na mga luxury vehicle nasabat sa MICP

NAKAISKOR ang Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP) ng mga puslit na secondhand luxury vehicles sa pangunguna ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

The post Puslit na mga luxury vehicle nasabat sa MICP first appeared on Abante.

puslit na mga luxury vehicle nasabat sa micp - Puslit na mga luxury vehicle nasabat sa MICP
abante sumggled car - Puslit na mga luxury vehicle nasabat sa MICP

NAKAISKOR ang Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP) ng mga puslit na secondhand luxury vehicles sa pangunguna ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Ang naturang container van ay dumating sa bansa noong Oktubre 16, 2020 matapos na angkatin ng Blue Core Enterprises at unang idineklarang mga furnitures. Gayunman, sa beripikasyon, natuklasang ang naturang container van ay naglalaman pala ng smuggled vehicles, na kinabibilangan ng Porsche Sportscar, Bentley Luxury Car, Mercedes Benz Sportscar, at half-cut na Volkswagen, na tinatayang nagkakahalaga ng P20 milyon.

Kaagad namang nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si District Collector Romeo Allan R. Rosales laban sa mga behikulo habang ang mga importer nito ay iniimbestigahan na at maaaring maharap sa kasong paglabag sa Section 1400, in relation to Section 1113 ng Republic Act (RA) 10863, o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal sa Pilipinas ang importasyon ng mga secondhand vehicles.

Sinabi naman ni Collector Rosales na nananatiling committed ang MICP para mapigilan ang illegal na pagpasok sa bansa ng mga naturang items.

Tiniyak rin niya na sa pamamagitan ng paggabay ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ipagpapatuloy ng Port ang pagpapatupad ng mga hakbang upang protektahan ang mga borders sa teritoryo nito.

The post Puslit na mga luxury vehicle nasabat sa MICP first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *