Puslit na mga flat glass, patutukan sa BOC

MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iligal na pagpasok sa bansa ng mga puslit na flat glass na maaaring makaapekto sa construction industry sa bansa.

The post Puslit na mga flat glass, patutukan sa BOC appeared first on Abante News Online.

puslit na mga flat glass patutukan sa boc - Puslit na mga flat glass, patutukan sa BOC
2019 Abante BOC - Puslit na mga flat glass, patutukan sa BOC

Ni: Mina Aquino

MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iligal na pagpasok sa bansa ng mga puslit na flat glass na maaaring makaapekto sa construction industry sa bansa.

Base sa inilabas na Department Administrative Order (DAO) ng DTI, pinakilos nito ang Bureau of Product Standards (BPS) na maglunsad ng mas agresibong kampanya laban sa mga manufacturer at importer ng mga flat glass upang maprotektahan ang mga mamimili.

Lumabas sa imbestigasyon ng DTI na may mga manufacturer at importer ang nagpapalusot ng mga substandard flat glass na ginagamit sa mga matataas na gusali sa mga business district sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sinabi ni DTI-BPS Director, Engr. James Empeno, mas naging aktibo ang kampanya laban sa mga flat glass kasunod ng mga impormasyong dumating sa ahensya na may mga smuggler ang nagpapalusot ng papasok sa bansa.

Kung kaya’t umapela ang DTI sa Bureau of Customs (BOC) sa mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan upang hindi makapasok sa bansa ang mga substandard flat glass.

Ayon sa DTI, malaking panganib sa publiko ang paggamit ng mga substandard flat glass, lalo na sa mga matataas na gusali, dahil hindi nito kinakaya ang malakas na hampas ng hangin at kahit mahinang pagyanig ng lupa.

Gayundin, nanawagan ang DTI sa publiko na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang mga construction company na tumatangkilik sa mga substandard flat glass upang makasuhan.

The post Puslit na mga flat glass, patutukan sa BOC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *