Pumatay sa Pinoy sa Canada, 25 taon kulong

MABUBULOK muna sa kulungan bago makapag-apply ng parole ang mga pumatay sa isang Pilipino at East Asian convenience store clerk sa Edmonton, Alberta dahil sa ruling ng korte.

pumatay sa pinoy sa canada 25 taon kulong - Pumatay sa Pinoy sa Canada, 25 taon kulong
kulong - Pumatay sa Pinoy sa Canada, 25 taon kulong

MABUBULOK muna sa kulungan bago makapag-apply ng parole ang mga pumatay sa isang Pilipino at East Asian convenience store clerk sa Edmonton, Alberta dahil sa ruling ng korte.

Batay sa kautusan ni Court of Queen’s Bench Associate Chief Justice Ken Nielsen, hindi pahihintulutan ang parole sa convicted murderer na si Colton Steinhauer, 30, kung hindi pa ito nakakapagsilbi ng 25 taong pagkakakulong.

Noong Mayo napatunayang guilty si Steinhauer sa two counts ng first-degree murder kaugnay ng pagkakapatay kina Ricky Cenabre, isang Pinoy at Karanpal Bhangu noong Disyembre 18, 2015.

Namatay ang dalawang biktima matapos barilin ni Steinhauer nang holdapin nito at dalawa pang kasabwat ang convenience stores na pinagtatrabahuhan nina Cenabre at Bhangu.

Ang kapwa akusado ni Steinhauer na si Laylin Delor ay nahatulan din sa two counts ng first-degree murder at pinatawan din ng 25-year parole ineligibility period. Ang isang teenager na kasama ng mga suspek ay nahatulan naman ng two counts ng manslaughter.

Paliwanag ni Justice Nielsen, naging mabigat na dahilan sa kanyang hatol ang pagpatay pa sa dalawang biktima matapos hol­dapin, na hindi naman aniya lumaban.

Si Cenabre, 41, ay nagtrabaho sa Canada para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *