Pumatay sa DOLE officer arestuhin — Bello

MARIING kinondena ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pamamaslang sa isang labor officer sa Maynila kamakalawa nang hapon.

pumatay sa dole officer arestuhin bello - Pumatay sa DOLE officer arestuhin — Bello
bello 6 - Pumatay sa DOLE officer arestuhin — Bello

MARIING kinondena ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pamamaslang sa isang labor officer sa Maynila kamakalawa nang hapon.

Si Ellen Dacanay ay nasawi nang tambangan ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng Malvar St., sa Malate, Maynila nitong Lunes, Nobyembre 4.

“I condemn in the strongest terms the dastardly killing of labor officer Ellen Dacanay assigned at the Manila field office of the Department,” ani Bello sa inilabas na statement.

Wala pa rin at hindi pa nakikilala ng mga awtoridad ang mga suspek sa pamamaril sa biktima.

“It is disturbing that a civilian official was murdered in a cowardly manner akin to executions by hired guns,” ayon pa sa pahayag ng kalihim.

Kasabay nito ay umapela si Bello sa mga awtoridad na agad kumilos sa ikadarakip ng mga nasa likod ng krimen.

Gayundin, nagpahayag ng pakikiramay si Bello sa pamilya ni Dacanay at nangakong magbibigay ang DOLE ng kaukulang tulong hanggang sa maabot ang hustisya.

“I join the officialdom of the Labor department in condoling with her family on their tragic loss. We will extend all necessary assistance to the family to serve the ends of justice,” dagdag pa ng kalihim. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *