Pumatay ng karibal sa San Juan sumuko

Matapos ang isang linggong pagtatago, sumuko ang suspek sa pagpatay sa isang 17-anyos na binatilyo sa San Juan.

The post Pumatay ng karibal sa San Juan sumuko first appeared on Abante.

pumatay ng karibal sa san juan sumuko - Pumatay ng karibal sa San Juan sumuko
abante marvin - Pumatay ng karibal sa San Juan sumuko

Matapos ang isang linggong pagtatago, sumuko ang suspek sa pagpatay sa isang 17-anyos na binatilyo sa San Juan.

Kusang-loob na nagtungo sa opisina ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang suspek na si ‘Marvin’, 20, kamakalawa.

Batay sa salaysay ng suspek, pasado hatinggabi ng Nobyembre 2 nang makipagkita siya sa kanyang dating nobya sa Brgy. West Crame.

Kukunin daw niya ang naiwang mga gamit sa dating nobya pero nang magkita sila ay kasama ng babae ang biktimang ‘John’, na bagong boyfriend nito.

Nagkaroon ng bangayan sa pagitan ng dalawang lalaki na nauwi sa pananaksak sa biktima. Agad dinala sa ospital si ‘John’ pero binawian ng buhay makalipas ang dalawang araw.

Sabi ng suspek, self-defense ang ginawa niya dahil nauna siyang sinuntok ng biktima. Sa takot na gantihan ng mga kaanak ni ‘John’ ay lumapit na siya sa opisina ni San Juan Vice Mayor Warren Villa na siyang nag-endorso sa kanya sa alkalde.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek at nasa kustodiya na ng San Juan PNP. (Riz Dominguez)

The post Pumatay ng karibal sa San Juan sumuko first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *