Pulong kontrapelo kay Cayetano sa Speaker

INANUNSYO ni Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte nitong Martes ang plano niyang sumabak sa labanan ng speakership ng Kamara.

The post Pulong kontrapelo kay Cayetano sa Speaker appeared first on Abante News Online.

pulong kontrapelo kay cayetano sa speaker - Pulong kontrapelo kay Cayetano sa Speaker
Abante Paolo Duterte - Pulong kontrapelo kay Cayetano sa Speaker

Ni: JC Cahinhinan

INANUNSYO ni Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte nitong Martes ang plano niyang sumabak sa labanan ng speakership ng Kamara.

Sa isang statement, sinabi ni Rep. Duterte na nagdesisyon siyang sumabak sa labanan ng liderato ng Kamara upang barahin ang term-sharing na itinutulak ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Caye­tano.

“Moapil na ko pagka-speaker,” saad ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“The house is divided, I might be able to help unite it. Pareho lang kaming binoto ng mga tao ah. Kung term sharing, term sharing na kaming lahat,” dagdag pa niya.

Aniya, hindi dapat paghatian lamang ng dalawang kongresista ang puwesto ng Speaker kundi dapat makinabang rin dito ang kinatawan ng Mindanao, Visayas, Luzon at ang party-list group.

“I will ask the Visayas bloc to elect their speaker for their term share, and so with the Mindanao bloc and the partylist coalition,” ayon sa kongresista.

“We are not talking about two persons here. We are talking about our beloved country. It is not about speaker­ship alone, but who is the right person to unite Congress and I hope those running for the speakership stop influencing the cabinet,” dagdag pa niya.

Handa naman ang ruling Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na suportahan ang kandidatura ni Rep. Duterte kung seryoso ito sa kanyang plano.

Sinabi ni PDP-Laban Executive Vice President at Pampanga Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales na mawawala ang ibang kandidato sa pagka-speaker kung tuluyan nang tatakbo sa nasabing posisyon ang anak ng Pangulo.

“Itong objections (ngayon), pag siya (Duterte) ang pumasok sa speakership eh palagay ko, walang lalaban diyan,” saad ni Gonzales.

Naniniwala si Gonzales na tiyak na aatras sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Rep. Cayetano kung tatakbo si Rep. Duterte.

“Lahat naman kami. Lahat naman kami kapag si Cong. Pulong… laya ‘yan eh wala nang Cong. Lord, wala nang Cong. Alan… kahit hindi siya PDP-Laban,” sabi ni Gonzales.

“Nakausap ko na (si Cong. Lord), lahat kami na na kay Cong. Lord, lahat kami susuporta kay Cong. Pulong,” dagdag ni Gonzales.

Ang term sharing ay ikinasa umano sa pagitan nina Cayetano at Velasco, kung saan u­nang magsisilbi sa loob ng 15 buwan ang una, habang 21 buwan naman ang Marinduque solon.

Bagama’t inapruba­han umano ito ni Pangu­long Duterte, inayawan naman ito ni Velasco.

The post Pulong kontrapelo kay Cayetano sa Speaker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *