Pulis todas sa NPA encounter

ISANG elemento ng Philippine National Police (PNP) ang napatay habang isa ang sugatan matapos ang bakbakan sa pagitan ng mga awtoridad at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bauko, Mountain Pro­vince noong Biyernes.

The post Pulis todas sa NPA encounter appeared first on Abante News Online.

pulis todas sa npa encounter - Pulis todas sa NPA encounter
abante tafawl - Pulis todas sa NPA encounter

ISANG elemento ng Philippine National Police (PNP) ang napatay habang isa ang sugatan matapos ang bakbakan sa pagitan ng mga awtoridad at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bauko, Mountain Pro­vince noong Biyernes.

Kinilala ng Provincial Police Office-Cordillera ang namatay na pulis na si Patrolman Wilfredo Padawil, naninirahan sa Tetep-an, Sagada, Mountain Province.

Nalagutan ng hininga si Padawil habang ginagamot sa Luis Hora Memorial Hospital dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Nagpapagaling naman sa naturang ospital ang kanyang kasamahan na si Police Corporal Irpeel Lapniten.

Base sa ulat ni Mountain Province Provincial Police Office-Investigation Section officer Police Major Bernard Wong, nagsagawa ng operasyon ang 152nd Company Regional Mobile Force Battalion sa nabanggit na lugar kasabay ng pagdiriwang ng NPA ng kanilang anibersaryo ng maka-engkuwentro nila ang mga pinaghihinalaang rebelde sa gubat ng Bauko.

Ayon kay Wong, tumagal ng mahigit 15 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkakapatay kay Padawil.

Patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operation ng mga pulis sa nasabing lugar. (Allan Bergonia)

The post Pulis todas sa NPA encounter appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *