Pulis pinatay sa loob ng korte

PATAY ang isang pulis habang sugatan naman ang tatlong iba pa makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa loob ng korte kahapon nang umaga sa Danao City, Cebu.

The post Pulis pinatay sa loob ng korte appeared first on Abante News Online.

pulis pinatay sa loob ng korte - Pulis pinatay sa loob ng korte
DEAD BODY1 - Pulis pinatay sa loob ng korte

PATAY ang isang pulis habang sugatan naman ang tatlong iba pa makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa loob ng korte kahapon nang umaga sa Danao City, Cebu.

Dead-on-the-spot ang biktimang si SPO1 Francis Villamor, dating­ nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office subalit nailipat ng destino sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) noong 2016.

Samantala tatlo pa ang sugatan sa naganap na insidente matapos tamaan ng ligaw na bala na inaalam pa ang pagkakakilanlan at ngayon ay nasa Danao City District Hospital.

Sa inisyal na imbes­tigasyon na nakarating­ sa Camp Crame, naganap ang insidente kahapon nang umaga matapos ang pagdalo ng hearing sa isang drug case ng biktima sa Danao Regional ­Trial Court (RTC).

Bigla na lang umano itong pinagbabaril ng isang hindi kilalang suspek habang ang isa pang suspek ay naka- back up dito.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima habang ang tatlong iba pa ay nadamay sa kaguluhan.

Sinamantala naman ng mga suspek ang pagkakagulo ng mga tao sa loob ng Danao RTC at humalo sa mga ito upang makatakas. (Edwin Balasa)

The post Pulis pinatay sa loob ng korte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *