Pulis patay habang nag-eehersisyo

Nasawi ang isang aktibong pulis matapos atakihin habang ito ay nagsasagawa ng pang-umagang exercise sa loob ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig kahapon nang umaga.

pulis patay habang nag eehersisyo - Pulis patay habang nag-eehersisyo
abante patay - Pulis patay habang nag-eehersisyo

Nasawi ang isang aktibong pulis matapos atakihin habang ito ay nagsasagawa ng pang-umagang exercise sa loob ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig kahapon nang umaga.

Naisugod pa ng kanyang mga kasamahan sa Parañaque Doctors Hospital ang biktimang si PSSg. Victorino Oreiro Jr., nasa hustong gulang at nakatalaga sa Taguig City Police Station subalit hindi na ito u­mabot nang buhay.

Lumalabas sa report ng Taguig City Police, nagana­p ang insidente alas-sais nang umaga sa loob ng compound ng NCRPO.

Habang nagsasagawa ng pang-umagang exercise si Oreiro para sa Police Junior Leadership Course na dinaluhan nito, bigla na lamang umano itong natumba at nalaman na na-cardiac arrest. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *