Pulis nag-amok sa presinto

ISANG pulis ang nanutok ng baril at nanakot sa mga kapwa pulis sa loob ng presinto sa Lucena City, kamakalawa nang gabi.

The post Pulis nag-amok sa presinto appeared first on Abante News Online.

pulis nag amok sa presinto - Pulis nag-amok sa presinto
prison 1 - Pulis nag-amok sa presinto

ISANG pulis ang nanutok ng baril at nanakot sa mga kapwa pulis sa loob ng presinto sa Lucena City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang nanutok ng baril na si PO3 Pedro Wagan Jr., 35, na naka-assign sa Lucena City Police Station bilang intel operative.

Batay sa report ng Lucena PNP, galit na dumating sa istasyon si Wagan dakong alas-10:15 nang gabi at hinahanap ang kanyang misis na noon ay kaharap ng mga policewomen na sina SPO2 Eufrocina Rocio at PO1 Renalyn Catmonan, parehong WCPD investigator.

Nagpapa-blotter umano ang misis laban sa asawang pulis.

Pilit pinapalabas ni Wagan sa presinto ang kanyang misis subalit nang humadlang ang dalawang babaeng pulis ay tinutukan ang mga ito ng baril ng suspek na bigla ring pinaputok paitaas.

Naawat din ng mga kasamahang pulis ang suspek at kusang loob nitong isinuko ang baril.

The post Pulis nag-amok sa presinto appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *