Pulis na nang-harass ng motorista sinibak

Pinatalsik ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Guillermo Eleazar sa puwesto ang isang pulis na nag-viral sa social media dahil sa pagiging ba­rumbado umano dahil sa pangha-harass sa isang motorista habang armado ng baril, sa Quezon City.

pulis na nang harass ng motorista sinibak - Pulis na nang-harass ng motorista sinibak
PIO NCRPO - Pulis na nang-harass ng motorista sinibak

Pinatalsik ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Guillermo Eleazar sa puwesto ang isang pulis na nag-viral sa social media dahil sa pagiging ba­rumbado umano dahil sa pangha-harass sa isang motorista habang armado ng baril, sa Quezon City.

Kinilala ni Eleazar ang pulis na si PMSg Wilson Aquino, nakatalaga sa Tactical Motorcycle Reaction Unit ng Quezon City Police District Station 3 habang kinikilala pa ang isang lalaki na kasama nito.

Sinabi ni Eleazar, naganap ang insidente dakong alas-2:35 nang hapon noong Hulyo 26 sa may Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Base sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Randy, patu­ngo siya sa Maynila, nang hindi nito napagbigyan ang puting Montero SUV na nais na lumipat sa kanyang lane dahil sa alanganin ang pasok.

Dito biglang nag-cut ang Montero na may plakang ABA 1201 at huminto.

Isang lalaki ang naglabas ng baril buhat sa bintana ng SUV at itinutok sa direksyon ng biktima.

Dito rin lumabas ang suspect na si Aquino na may dalang shotgun at sapilitang hinihingi ang driver’s license ni Randy.

Lumapit si Randy kay Eleazar upang idulog ang pangyayari.

Nabatid na sa ngayon ay naka-leave si Aquino at inutusan ni Ele­azar na mag-report ito sa kanya at isuko ang kanyang badge at service firearm.

Sasampahan din ng kasong administratibo (Grave Misconduct) at kriminal (Grave Threat) si Aquino sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *