Pulis na nakahuli ng snatcher binigyan ng award

Bilang gantimpala dahil sa ipinakita nitong lakas ng loob at tapang sa paghabol sa isang hinihinalang snatcher, binigyan ng P20,000 pabuya ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang pulis.

pulis na nakahuli ng snatcher binigyan ng award - Pulis na nakahuli ng snatcher binigyan ng award
abante Isko 2 - Pulis na nakahuli ng snatcher binigyan ng award

Bilang gantimpala dahil sa ipinakita nitong lakas ng loob at tapang sa paghabol sa isang hinihinalang snatcher, binigyan ng P20,000 pabuya ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang pulis.

Nag-viral sa social media ang video kung saan makikita si Patrolman Jonathan Stanley Dionisio na hinahabol ang isang lalaki na hinihinalang nanghablot ng gintong pulseras ng isang pasahero sa dyip.

Ngunit kalaunan ay pinalaya ang suspek dahil nabigo ang biktima na kilalanin bilang snatcher.

Sinabi ng alkalde na ang pinakamahalaga sa trabaho na ginawa ng pulis ay hindi siya nagdalawang isip at hindi niya alintana ang panganib na maaaring mangyari sa kanya.

“Sana ito, maging Gremlin. ‘Pag nababasa, dumarami,” pabiro pang sinabi ni Moreno, na tumutukoy sa isang kathang-isip na karakter sa pelikula. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *