Pulis-Maynila pinarangalan sa pagsagip sa nalulunod na lola

Binigyan ng komendasyon at cash ni Manila Police District Director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang isang pulis- Maynila na tumalon sa Pasig River para sagipin ang isang matandang babae na nadulas at nahulog sa Pasig River kamakailan.

pulis maynila pinarangalan sa pagsagip sa nalulunod na lola - Pulis-Maynila pinarangalan sa pagsagip sa nalulunod na lola
ABANTE PCpl. Romeo M. Balagtas - Pulis-Maynila pinarangalan sa pagsagip sa nalulunod na lola

Binigyan ng komendasyon at cash ni Manila Police District Director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang isang pulis- Maynila na tumalon sa Pasig River para sagipin ang isang matandang babae na nadulas at nahulog sa Pasig River kamakailan.

Nabatid na hindi ina­litana ni PCpl. Romeo M. Balagtas na mababasa ang kanyang cellphone, wallet, radio at uniporme nang tumalon ito sa Pasig River para sagipin ang isang matandang babae na nakilala lamang sa alyas Beth na nahulog matapos madulas sa Pasig River noong Set­yembre 6 ng alas-kuwatro nang hapon.

Nalaman na nasa ‘di kalayuan sa Mac­Arthur Bridge, Binondo, Maynila sina P/Cpl. Romeo M Balagtas Jr. at Pat. John Lester R. Magno at nagmamando ng trapik nang lumapit sa kanila ang isang concerned citizen at humingi ng tulong para sagipin ang isang matandang nalunod sa Pasig River.

Kaagad na pumunta sa lugar ang dala­wang pulis at nakita ang matanda na nakalapit sa mga nakalutang na water lilies.

Ipinahawak umano ni Balagtas kay Magno ang baril at saka nag-dive sa ilog para sagipin ang matanda na nailigtas naman nito at sa tulong ng mga bystander na nakakuha ng hagdan sa kalapit na par­king area ay naiahon ang matanda.

Ayon kay Danao, ang ginawa ni Balagtas ay pagpapakita ng kabayanihan ng isang pulis.

“Hindi na niya inin­tindi ‘yung mga gamit niya sa katawan basta ang nasa isip niya ay iligtas ‘yung matanda, kaya ngayon ay wala siyang cellphone,” ayon kay Danao. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *