Pulis inagawan ng baril ng inmate

Nasawi ang isang detainee na akusado sa kasong murder nang ito ay mabaril ng mga pulis matapos mang-agaw ng baril sa loob ng custodial facility Sabado nang gabi.

pulis inagawan ng baril ng inmate - Pulis inagawan ng baril ng inmate
patay baril - Pulis inagawan ng baril ng inmate

Nasawi ang isang detainee na akusado sa kasong murder nang ito ay mabaril ng mga pulis matapos mang-agaw ng baril sa loob ng custodial facility Sabado nang gabi.

Dead on-the-spot ang suspek na si Ariel Pangilinan y Morales matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ng San Pablo City Police, mag-aalas-10:00 nang gabi nang isasailalim na sana ito sa booking at mugshot procedure nang bigla umano nitong itulak ang custodial officer na si Harry Reyes at agawin ang baril.

Tumakbo itong papalabas at hinabol ng mga pulis subalit pinaputukan ang mga awtoridad.

Nagkaroon ng palitan ng putok na agad ikinasawi ng suspek. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *