Pulis-Davao nagpaanak sa highway

Nagkaroon ng kakaibang misyon ang ilang pulis sa Davao City nang tumulong sa panganganak ng isang ginang sa main highway ng Matina Crossing sa Davao City nitong Martes ng umaga.

The post Pulis-Davao nagpaanak sa highway first appeared on Abante.

pulis davao nagpaanak sa highway - Pulis-Davao nagpaanak sa highway
abante pulis 4 - Pulis-Davao nagpaanak sa highway

Nagkaroon ng kakaibang misyon ang ilang pulis sa Davao City nang tumulong sa panganganak ng isang ginang sa main highway ng Matina Crossing sa Davao City nitong Martes ng umaga.

Ayon sa Facebook post ng Davao City Police Office, alas-sais ng umaga habang nagsasagawa ng field training program ang mga police rescuer na nakatalaga sa Talomo Police Station, nadaanan nila ang buntis na tila manganganak na sa McArthur Highway.

Hindi na nagdalawang-isip ang mga pulis kasama ang kanilang mga field training officer para tulungan na manganak ang ginang at tinawag ang naka-duty na nurse ng istasyon.

Nanganak ng isang malusog na sanggol na babae ang ginang. Ilang pulis ang tumulong at pumutol sa umbilical cord ng sanggol. Inihatid din nila ang mag-ina sa Sanitarium Hospital sa Bangkal para masuri ang kanilang kondisyon. (Issa Santiago)

The post Pulis-Davao nagpaanak sa highway first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *