Pulis, brgy kagawad timbog sa buy-bust

arrested-arestado-timbog-kulong

BUKING ang pagtutulak ng droga ng isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at isang kagawad ng barangay habang tatlo pang tulak ang nadakip matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation at nakuhanan ng mahigit P3.4 milyon shabu, kamakalawa nang umaga sa San Jose District, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

The post Pulis, brgy kagawad timbog sa buy-bust appeared first on Abante News Online.

pulis brgy kagawad timbog sa buy bust - Pulis, brgy kagawad timbog sa buy-bust
arrested arestado timbog kulong - Pulis, brgy kagawad timbog sa buy-bust

NI Vick Aquino

BUKING ang pagtutulak ng droga ng isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at isang kagawad ng barangay habang tatlo pang tulak ang nadakip matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation at nakuhanan ng mahigit P3.4 milyon shabu, kamakalawa nang umaga sa San Jose District, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Agent Cesario Judilla Jr., head ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Zamboanga del Sur, nakilala ang mga suspek na sina P/SMS.

Ricky Usman Sabturani, nakatalaga sa Basilan Police Provincial Office; Omar Sadon, kagawad ng Brgy. Bayanga Norte, Matanog, Maguindanao; Jam Macaraya, Daniel Kusain, at Amis Juma Anas.

Naaresto ang lima matapos magbenta ng iligal na droga sa isang katransaksyong pulis na umaktong buyer, alas-10:00 Biyernes nang umaga.
Paliwanag naman ng barangay kagawad na si Sadon, naaya lamang siya na magmaneho dala ang kanyang van mula Maguindanao patungo sa siyudad at hindi niya umano alam na droga ang transaksyon ng kanyang mga kasama.

The post Pulis, brgy kagawad timbog sa buy-bust appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *