‘Pulis bondat’ sinala sa Valenzuela

pulis

HINDI na uubra na may mga pulis pang malalaki ang tiyan o mga ‘pulis bondat’ sa Valenzuela City Police Station (VCPS).

pulis bondat sinala sa valenzuela - ‘Pulis bondat’ sinala sa Valenzuela
pulis - ‘Pulis bondat’ sinala sa Valenzuela

HINDI na uubra na may mga pulis pang malalaki ang tiyan o mga ‘pulis bondat’ sa Valenzuela City Police Station (VCPS).

Ito ang tiniyak ni PCol. Carlito Gaces, hepe ng VCPS.

Kahapon nang umaga, umabot sa 677 na miyembro ng VCPS ang isinalang sa pagkuha ng body mass index.

Ayon kay Col. Gaces, ang hakbanging ito ay bilang pagtugon sa physical conditioning and combat sports at pagsuporta na rin sa internal cleansing ng pulisya.

“This is to ensure that all the policemen are not only mentally sound but also physically fit,” ani Col. Gaces.

Base sa WebMD, ang body mass index ang basehan kung ang isang pulis ay overweight.

Batay sa requirement, dapat ang isang pulis ay physically fit at ang waste line nito ay hindi lalagpas sa 34.

Payo ng opisyal sa mga pulis, huwag palakihin ang mga tiyan upang kaaya-aya namang tingnan sa publiko ang mga alagad ng batas. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *