Pulis, 1 pa tinodas ng tandem

Pulis, 1 pa tinodas ng tandem

TIMBUWANG ang isang pulis at ama na sumundo sa kanyang anak nang magkasunod na tambangan ng mga riding in tandem suspek sa Laguna Martes nang gabi.

The post Pulis, 1 pa tinodas ng tandem appeared first on Abante News Online.

pulis 1 pa tinodas ng tandem - Pulis, 1 pa tinodas ng tandem
ABANTE sorsogon radio reporter pinatay gun - Pulis, 1 pa tinodas ng tandem

TIMBUWANG ang isang pulis at ama na sumundo sa kanyang anak nang magkasunod na tambangan ng mga riding in tandem suspek sa Laguna Martes nang gabi.

Batay sa report ng Laguna Provincial Police Office, unang nasawi ang pulis na si SSgt. Dante Anavieza nang ito ay tambangan ng mga hindi nakilalang salarin sa national road sa Brgy. Longos, bayan ng Kalayaan alas-siyete nang gabi.

Ayon sa imbestigasyon, nakasakay ang pulis sa kanyang motorsiklo at patungo sa bayan ng Paete nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong suspek na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala sa bayan ng Mabitac, kaangkas pa ng biktimang si Luisito Heniga ang kanyang anak sa motorsiklo nang ito ay pagbabarilin din ng mga nakamotorsiklo ding suspek sa Sitio Alas-as, Brgy. Libis ng Nayon alas-otso nang gabi.

Papauwi na umano sa kanilang bahay ang mag-ama ng harangan ang mga ito ng mga suspek at malapitang pagbabarilin gamit ang 9mm. na baril.

Hindi naman nasugatan ang bata samantalang ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay habang ginagamot sa ospital.(Ronilo Dagos/Edwin Balasa)

The post Pulis, 1 pa tinodas ng tandem appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *