Puganteng Taiwanese naharang sa NAIA

NABULILYASO ang tangkang pagpasok sa bansa ng isang Taiwanese national na wanted dahil umano sa pandaraya sa negosyo nang maharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

puganteng taiwanese naharang sa naia - Puganteng Taiwanese naharang sa NAIA
naia 2 - Puganteng Taiwanese naharang sa NAIA

NABULILYASO ang tangkang pagpasok sa bansa ng isang Taiwanese national na wanted dahil umano sa pandaraya sa negosyo nang maharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang 70-anyos na si Miao Jwu-Yi ay pinigil noong Setyembre 30 sa terminal ng NAIA 1 sa kanyang pagdating mula sa Hong Kong.

Nahuli umano si Miao matapos makita ang kanyang pangalan sa database ng BI ng mga blacklisted na mga dayuhan na may mga derogatory record.

Kinabukasan, ay lumipad ito kasama ang kanyang mga escort mula sa Taipei Econo­mic and Cultural Office (TECO) sa Maynila.

Sinabi ng mga opisyal ng TECO na nahatulan si Miao ng mahigit apat na taong pagkakulong noong 2017 dahil sa paglabag sa Business Entity Accounting Act ng Taiwan.

Ang nasabing aksyon ay alinsunod sa code of conduct and rules of practice sa Taiwan at binigyan ng mga parusa para sa paglabag.

Iniulat na si Miao ay nagtago at tumakas sa Taiwan nang malaman ang kanyang hatol, na nag-udyok upang maglabas ng warrant of arrest ang district prosecutor’s office sa Taipei. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *