Puganteng Kano patatalsikin ng BI

Sisipain ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Kano na wanted sa pagpatay at iba pang kasong kriminal sa Estados Unidos.

The post Puganteng Kano patatalsikin ng BI appeared first on Abante News Online.

puganteng kano patatalsikin ng bi - Puganteng Kano patatalsikin ng BI
BI - Puganteng Kano patatalsikin ng BI

Sisipain ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Kano na wanted sa pagpatay at iba pang kasong kriminal sa Estados Unidos.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang 38-anyos na si Antonio Marsonel Wilson ay nasa kustodiya ngayon ng BI matapos itong maaresto noong Marso 27 sa Angeles City, Pampanga ng mga ahente mula sa Fugitive Search Unit (FSU) ng bureau.

Si Wilson aniya ay mayroong arrest warrant na inilabas ng US district court sa Warren County, Kentucky.

Sinabi ng BI chief na bukod sa pagpatay, si Wilson ay sangkot din sa mga kasong first-degree assault, domestic violence, first-degree wanton endangerment, possession of firearm at handgun ng isang convicted felon, pakikialam sa pisikal na ebidensya, trafficking ng marijuana, pagmamay-ari ng mga gamit sa droga. (Mina Aquino)

The post Puganteng Kano patatalsikin ng BI appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *