Puerto Rico governor magre-resign dahil sa chat scandal

MATAPOS ang ilang linggong kilos protesta para sa kanyang resignation, sinabi ni Puerto Rico Gov. Ricardo Rosello na bababa na siya sa puwesto sa susunod na linggo.

The post Puerto Rico governor magre-resign dahil sa chat scandal appeared first on Abante News Online.

puerto rico governor magre resign dahil sa chat scandal - Puerto Rico governor magre-resign dahil sa chat scandal
ABANTE chatting - Puerto Rico governor magre-resign dahil sa chat scandal

MATAPOS ang ilang linggong kilos protesta para sa kanyang resignation, sinabi ni Puerto Rico Gov. Ricardo Rosello na bababa na siya sa puwesto sa susunod na linggo.

Sa video message sa Facebook, sinabi ni Rosello na magre-resign siya ngayong Agosto 2, ganap na alas-singko nang hapon. Si Justice Secretary Wanda Vazquez ang inaahasang papalit sa kanyang puwesto.

Inunahan ni Rosello ang ikinakasang impeachment proceedings sa kanya ng lehislatura.

Uminit ang mga kilos-protesta sa resignation ni Rosello bunsod ng serye ng artikulo ng Center for Investigative Journalism hinggil sa group message sa pagitan ng kanyang inner circle.

Sa kanilang group chat, gumamit si Rosello ng mga bastos na lengguwahe at nagkomento pa ng mga biro tungkol sa mga biktima ng Hurricane Maria.

Matatandaang hinambalos ng malakas na bagyo ang Puerto Rico noong Setyembre 2017 kung saan ni-report ng gobyerno na 64 lang ang namatay pero matapos ipetisyon sa korte para ideklara ang totoong bilang ng namatay, natuklasan na umabot sa 2,975 ang nasawi sa bagyo.

Ayon sa mga demonstrador, ang resignation ni Rosello ay unang hakbang pa lamang para baguhin ang sistemang political sa kanilang lugar na dinodomina lamang ng dalawang partido.

The post Puerto Rico governor magre-resign dahil sa chat scandal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *