Publiko pinag-iingat ng DOH sa heat stroke

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa heat stroke dahil ito’y maaaring makamatay o maging sanhi ng multiple organ failure, kung hindi maaagapan.

The post Publiko pinag-iingat ng DOH sa heat stroke appeared first on Abante News Online.

publiko pinag iingat ng doh sa heat stroke - Publiko pinag-iingat ng DOH sa heat stroke
heat 3 - Publiko pinag-iingat ng DOH sa heat stroke

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa heat stroke dahil ito’y maaaring makamatay o maging sanhi ng multiple organ failure, kung hindi maaagapan.

Ginawa ni Health Secretary Francisco Duque III ang babala dahil mas titindi pa ang pag-init ng panahon.

Pinaalalahan rin ni Duque ang publiko na iwasan ang pagbibilad nang matagal sa ilalim ng sikat ng araw, partikular sa pagitan ng alas-10:00 nang umaga hanggang alas-tres nang hapon kung kailan pinakamatindi ang sikat ng araw.

Pinagagamit ni Duque ng mga pananggalang sa sikat ng araw, gaya ng sumbrero at payong kung hindi makakaiwas sa pagbibilad sa araw.

Ugaliin rin umano ang pag-inom ng maraming tubig upang hindi ma-dehydrate.

“Masama ang heat stroke. Puwedeng ikamatay ito pero madali namang iwasan basta’t huwag lang tayong maggagawa ng kung ano-ano sa ilalim ng matin­ding sikat ng araw dahil ‘yan ay hahantong sa heat exhaustion, pagkatapos heatstroke,” ayon kay Duque.

Nalaman na ilan sa mga sintomas ng heat stroke ay pagkahilo, pananakit ng ulo, mataas na lagnat, labis na pagpapawis, pagbilis ng tibok ng puso, at pagkawala ng malay.

Hinimok rin ni Duque, ang publiko na maging maingat rin sa paghahanda ng pagkain dahil mabilis itong mapanis kapag tag-init.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Publiko pinag-iingat ng DOH sa heat stroke appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *