Publiko binalaan sa fake FB account ng Manila Cathedral

PINAG-IINGAT ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang publiko laban sa pekeng Facebook account ng Manila Cathedral na nagbebenta ng mga pekeng religious item sa mga mananampalataya.

The post Publiko binalaan sa fake FB account ng Manila Cathedral appeared first on Abante News Online.

publiko binalaan sa fake fb account ng manila cathedral - Publiko binalaan sa fake FB account ng Manila Cathedral
FB 1 - Publiko binalaan sa fake FB account ng Manila Cathedral

PINAG-IINGAT ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang publiko laban sa pekeng Facebook account ng Manila Cathedral na nagbebenta ng mga pekeng religious item sa mga mananampalataya.

Sinabi ni Tagle na isa lang ang opisyal na Facebook account ng katedral at ito ay ang The Manila Cathedral.

Naalarma ang Arsobispo nang makatanggap siya ng ulat na ginagamit ang pangalan ng Katedral para sa pangongolekta ng pera kapalit ang milagrosong medalya na binasbasan umano ng mga pari at obispo ng Vatican sa loob ng 100 araw.

Aniya, walang binasbasan na anumang medalya ang mga pari, obispo at maging ang Santo Papa sa Vatican para ibenta at gamitin umano sa mga gawaing kawanggawa ng Simbahang Katolika.

Nilinaw din ni Tagle na wala silang binuong ‘Youth for Manila Cathedral’ upang mangalap ng pondo para sa pagsasaayos ng Simbahan at sa iba pang programa nito.

May mga kinopya pa umanong mga larawan mula sa kanilang account at naka-post sa pekeng FB account para pagmukhaing tunay ito. (Mia Billones)

The post Publiko binalaan sa fake FB account ng Manila Cathedral appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *