PSG Chief pipigain sa smuggled bakuna

Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na papanagutin ang lahat ng opisyal ng gobyerno na sangkot sa iligal na importasyon at paggamit ng hindi awtorisadong vaccines laban sa COVID 19.

The post PSG Chief pipigain sa smuggled bakuna first appeared on Abante.

psg chief pipigain sa smuggled bakuna - PSG Chief pipigain sa smuggled bakuna
Durante - PSG Chief pipigain sa smuggled bakuna

Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na papanagutin ang lahat ng opisyal ng gobyerno na sangkot sa iligal na importasyon at paggamit ng hindi awtorisadong vaccines laban sa COVID 19.

Ginawa ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang pahayag matapos ang verbal order ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang napaulat na pagbakuna sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ng Sinopharm vaccine.

Ayon kay Lavin ,aalamin nila ang posibleng paglabag sa Medical Practice Act to the tariff on the Customs Code of the Philippines at kung paano ito nakapasok sa bansa.

Gayundin, ang posibleng paglabag sa polisiya ng Food and Drug Administration (FDA), Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“Hindi lang naman government officials and employees but also private individuals who may have cooperated with the government employees or officials,” ani Lavin.

Nabatid na magsisimula ang imbestigasyon ng NBI kay PSG commander Brig. Gen. Jesus Durante III na umamin na nakakuha sila ng vaccines at napabakunahan ang kanilang mga personnel para mabigyan ng proteksiyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Hiniling ng NBI kay Durante ang kooperasyon sa imbestigasyon ng ahensiya.

“The NBI would appreciate it very much if he can reduce it into writing under oath,”ani pa Lavin.

Kaugnay nito,sinabi ni Lavin na hinihintay pa nila ang opisyal na order ang imbestigasyon bago isulong ang imbestigasyon.(Juliet de Loza-Cudia)

The post PSG Chief pipigain sa smuggled bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *