Prusisyon ng Nazareno, Sto Nino binawal ni Isko

Bawal muna ang anumang prusisyon at aktibidad may kinalaman sa Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno , Sto. Nino at iba pang religious festivities sa Maynila sa Enero ng 2021.

The post Prusisyon ng Nazareno, Sto Nino binawal ni Isko first appeared on Abante.

prusisyon ng nazareno sto nino binawal ni isko - Prusisyon ng Nazareno, Sto Nino binawal ni Isko
abante translacion - Prusisyon ng Nazareno, Sto Nino binawal ni Isko

Bawal muna ang anumang prusisyon at aktibidad may kinalaman sa Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno , Sto. Nino at iba pang religious festivities sa Maynila sa Enero ng 2021.

Ito ang pinanindigan kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno dahil sa patuloy na banta ng COVID19 sa bansa.

Humingi rin ng paumanhin at pangunawa si Moreno sa mga deboto sa pagkansela sa tradisyunal na Traslacion dahil ang iniisip niya ay kaligtasan ng bawat isa.

Ayon kay Moreno, ipinagbawal din ang “Pahalik” sa Poong Nazareno kaya hinihikayat niya ang mga tumututol sa desisyon ng lokal na pamahalaan na ikonsidera ang panganib na dala ng COVID 19 sa sandaling magkaroon ng tradisyunal na Traslacion.

“There is danger. Let’s accept facts. Let’s accept science. Let’s accept reality. Marami pang paraan para mapalapit sa Diyos,” dagdag ni Moreno.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Prusisyon ng Nazareno, Sto Nino binawal ni Isko first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *