Proteksyon sa mga ‘ander de saya’ sinulong sa Kamara

Dagdag buwis sa alak habol sa Pasko

Isang panukalang batas ang inihain kamakailan sa Kamara na naglalayong bigyan ng proteksyon sa ilalim ng batas ang mga binansagang ‘takot sa asawa’ (takusa) o ‘ander de saya’ ng kanilang mga misis.

proteksyon sa mga ander de saya sinulong sa kamara - Proteksyon sa mga ‘ander de saya’ sinulong sa Kamara
kamara 2 - Proteksyon sa mga ‘ander de saya’ sinulong sa Kamara

Isang panukalang batas ang inihain kamakailan sa Kamara na naglalayong bigyan ng proteksyon sa ilalim ng batas ang mga binansagang ‘takot sa asawa’ (takusa) o ‘ander de saya’ ng kanilang mga misis.

Layon ng House Bill No. 4888 ni House Justice Committee vice chair Fidel Nograles (Rizal) na ipagbawal ang anumang uri ng pang-aabuso sa kanilang partner, mapa­sapribado o pampublikong lugar, anuman ang kanilang kasarian.

“We must recognize that there are also male partners who are victims of abuse, yet are unable to report such incidents because of prejudice,” saad Nograles.

Layunin ng HB 4888 na amyendahan Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 at isama ng terminolohiyang ‘male partners’ sa saklaw sa mga bibigyang proteksyon sa ilalim ng batas.

“[This is] to weed out violence and abuse in relationships regardless of gender,” paliwanag ni Nograles.

Kabilang din sa saklaw ng HB 4888 ay ang mga kasapi ng LBGTQ+ community.
“Violence and abuse do not discriminate. Babae man o lalake, at miyembro ng LGBT, may suffer from the deleterious effects of an abusive relationship. It’s government’s duty to protect everyone,” saad ni Nograles. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *