Programmer libre laptop repair sa mga estudyante

Bilang tulong niya sa mga estudyanteng nagbabalik eskuwela sa ngayon, alok ng isang programmer ang kanyang libreng serbisyo para mag-repair ng mga laptop.

The post Programmer libre laptop repair sa mga estudyante first appeared on Abante.

programmer libre laptop repair sa mga estudyante - Programmer libre laptop repair sa mga estudyante
abante mark - Programmer libre laptop repair sa mga estudyante

Bilang tulong niya sa mga estudyanteng nagbabalik eskuwela sa ngayon, alok ng isang programmer ang kanyang libreng serbisyo para mag-repair ng mga laptop.

Ayon kay Mark Anthony Perez ng Tibag, Tarlac simula nang simulan nito ang repair service habang mayroong pandemic, nasa 150 mga mag-aaral na ang lumapit sa kanya para magpatulong sa kanilang gadget.

Hinimok din ni Perez ang mga may-ari ng sira o kayang matagal nang laptop na huwag itapon ang mga ito at sa halip ay i-donate na lang ito sa kanya para magamit ang mga parte nito na pwede pang mapakinabangan sa mga ire-repair niyang computer ng mga estudyante.

Para makakapagpagawa kay Perez, kailangan lang umanong magpakita ng mga estudyante ng patunay na sila ay nakapag-enroll ngayong school yeat at may student ID.

Sa isang panayam kay Perez, sinabi nitong naranasan niya rin ang kahirapan at may mga taong tumulong rin sa kanya, kaya kahit sa simpleng paraan, ito umano ang kanyang magagawa para maibalik ang pagtulong na kanyang natanggap noon.

Hanga naman ang mga netizen sa kabutihan ni Perez na makatulong sa mga estudyante sa kanilang lugar ngayong pandemya at distance learning ang paraan ng pag-aaral kung saan mangangailangan ng gadget ang mga estudyante.

The post Programmer libre laptop repair sa mga estudyante first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *