Programa sa fuel marking tinugon ng Insular Oil

KASUNOD ng pagsisimula ng ‘marking activities’ sa mga petroleum product ng Seaoil Philippines, Inc. sa Batangas at Unioil Pet­roleum Philippines, Inc. sa Bataan, sumunod na rin ang Insular Oil Corporation sa Subic sa nationwide implementation ng Fuel Marking Program at isinagawa ang kanilang first marking activity nitong Oktubre 30, 2019.

programa sa fuel marking tinugon ng insular oil - Programa sa fuel marking tinugon ng Insular Oil
ABANTE fuel - Programa sa fuel marking tinugon ng Insular Oil

KASUNOD ng pagsisimula ng ‘marking activities’ sa mga petroleum product ng Seaoil Philippines, Inc. sa Batangas at Unioil Pet­roleum Philippines, Inc. sa Bataan, sumunod na rin ang Insular Oil Corporation sa Subic sa nationwide implementation ng Fuel Marking Program at isinagawa ang kanilang first marking activity nitong Oktubre 30, 2019.

Tinatayang aabot sa 8,213,636 litro ng Mogas Ron 92 Gasoline na sakay ng MT Grand Ace 11 mula sa Guangdong, China ang minarkahan sa fuel terminal facility ng Pure Petroleum Corporation Subic ng pinagsanib na grupo ng DOF BOC at SGS-SICPA.

Umaasa naman ang Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mapapabilis ang marking ng mga petroleum product na iiimbak, ibibiyahe at ipagbibili, dahil malapit na ang field testing phase ng programa.

Pinayuhan naman ni Customs Deputy Commissioner for Enforcement Teddy Raval, na pinuno ng Implementing Office ng programa ang mga retailer na bumili at magbenta lamang ng ‘marked fuel’ upang maiwasan ang paglabag at hindi mapatawan ng mga pe­nalty na kinabibilangan pa ng criminal prosecution.

Nabatid na sa Pebrero 3, 2020 ay magsisimula na ang testing ng fuel sa retail side, gayundin ang enforcement actions nito.

Ang mga gasolina, diesel at kerosene na matutuklasan anilang nananatiling ‘unmarked’ ay kukumpiskahin at papatawan ng parusa ang mga taong mapapatuna­yang responsable sa pag-iimbak, pagbibiyahe, pag-aangkat o pagtitinda ng mga ‘unmarked fuel’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *