Produktong petrolyo taas presyo sa Pasko

PANIBAGONG pasakit sa mga motorista ang nakaamba sa susunod na linggo o Pasko bunga ng inaasahang muling pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

The post Produktong petrolyo taas presyo sa Pasko first appeared on Abante.

produktong petrolyo taas presyo sa pasko - Produktong petrolyo taas presyo sa Pasko
Petrolyo - Produktong petrolyo taas presyo sa Pasko

PANIBAGONG pasakit sa mga motorista ang nakaamba sa susunod na linggo o Pasko bunga ng inaasahang muling pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa pagtaya ng ilang mga kompanya ng langis sa bansa, inaasahan ang panibagong pagsipa pataas ng presyo ng gasolina at diesel mula P0.75 hanggang P0.85 sentimos kada litro habang ang malalaking kompanya ay nagpahayag na posibleng tumaas ng mula P0.85 hanggang P0.95 sentimos kada litro.

Ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay inaasahang ipatutupad sa Martes at ito na ang magiging ikaanim na sunod-sunod na linggo ng oil price hike.

Ibinatay ng mga kompanya ng langis sa bansa ang napipintong muling pagsipa pataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa apat na araw na kalakalan ng langis sa Mean of Platts Singapore (MOPS). (Mia Billones)

The post Produktong petrolyo taas presyo sa Pasko first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *