Produktong petrolyo sisirit presyo

MATAPOS salubungin ng mga kompanya ng langis ang Bagong Taon ng pagtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo, inaasahang sasakit na naman ang bulsa ng mga motorista sa inaasahang pagsirit na muli ng halaga ng langis sa pagpasok ng araw ng Martes.

The post Produktong petrolyo sisirit presyo first appeared on Abante.

produktong petrolyo sisirit presyo - Produktong petrolyo sisirit presyo
Petrolyo - Produktong petrolyo sisirit presyo

MATAPOS salubungin ng mga kompanya ng langis ang Bagong Taon ng pagtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo, inaasahang sasakit na naman ang bulsa ng mga motorista sa inaasahang pagsirit na muli ng halaga ng langis sa pagpasok ng araw ng Martes.

Sa pagtaya ng mga taga-industriya ng langis sa bansa, inaasahan ang pagtaas ng halaga ng gasolina mula P0.85 sentimos hanggang P0.95 sentimos kada litro habang maglalaro naman mula sa P0.20 hanggang P0.30 sentimos ang presyo ng diesel.

Ang presyo naman ng gaas o kerosina na karaniwang ginagamit ng mga ordnaryong mamamayan bilang panggatong o panluto ay inaasahang tataas ng mula P0.20 sentimos hanggang P0.30 sentimos kada litro.

Kadalasang ipinatutupad ng mga dambuhalang kompanya ng langis sa bansa ang pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto tuwing araw ng Martes at ganito rin ang ginagawa ng maliliit na kompanya, bagama’y may ilan sa kanila na sa hapon nagpapatupad sa halip na alas-6 ng umaga.

Ayon sa mga dalubhasa sa industriya ng langis sa bansa, ang panibagong pagtataas ng halaga ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagbabawas ng produksiyon ng langis ng Saudi Arabia at ang pagbabawas din ng imbentaryo ng langis ng Estados Unidos.

Ang Saudi Arabia ang isa sa pinakamalaking supplier ng langis sa buong mundo na kumakatawan sa 12 porsiyento ng kabuuang produksiyon ng langis. (Mia Billones)

The post Produktong petrolyo sisirit presyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *