Produktong petrolyo may taas presyo

MULING sasalubungin ng pasakit ang mga motoristang bibiyahe ngayong Kapaskuhan dulot ng panibago at ika-apat na linggong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

The post Produktong petrolyo may taas presyo first appeared on Abante.

produktong petrolyo may taas presyo - Produktong petrolyo may taas presyo
abante gas 2 - Produktong petrolyo may taas presyo

MULING sasalubungin ng pasakit ang mga motoristang bibiyahe ngayong Kapaskuhan dulot ng panibago at ika-apat na linggong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa anunsiyo ng mga dambuhalang kompanyang Petron Corporation at Pilipinas Shell, alas-6 ngayong umaga, araw ng Martes, ipatutupad ang P0.50 sentimos na dagdag kada litro ng gasolina, P0.55 sentimos naman sa kerosina at P0.60 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel habang ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng mas maaga sa kahalintulad ng presyo ng alas-12:01 ng madaling araw ngayo.

Ang Thai-led PTT Philippines, Petro Gazz, Seaoil, Total Philippines at Eastern Petroleum ay magpapatupad din ng pagtataas ng kanilang mga produktong gasolina at diesel sa kaparehong halaga dakong alas-6 ng umaga habang ang Clean Fuel ay ipatutupad ang pagtataas dakong alas-4:01 ng hapon. Karamihan sa mga maliliit na kompanya ng langis sa bansa ay hindi nagbebenta ng kerosina.

Ayon kay Jhay Julian, Communication Officer ng PTT Philippines, ang panibagong pagtataas ay ibinatay ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. (Mia Billones)

The post Produktong petrolyo may taas presyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *