Produkto ng BEST Center hari sa U17

ITINANGHAL na overall champion ng United Nations of Basketball (UNB) U17 World Team Skills Championships, nitong nakalipas na taon, ang boys team ng BEST (Basketball Efficiency and Scientific Training) Center habang pilak na medalya naman ang naibagahe ng girls squad.

The post Produkto ng BEST Center hari sa U17 first appeared on Abante.

produkto ng best center hari sa u17 - Produkto ng BEST Center hari sa U17
ball 1 - Produkto ng BEST Center hari sa U17

ITINANGHAL na overall champion ng United Nations of Basketball (UNB) U17 World Team Skills Championships, nitong nakalipas na taon, ang boys team ng BEST (Basketball Efficiency and Scientific Training) Center habang pilak na medalya naman ang naibagahe ng girls squad.

Kinoronahan bilang world champion ang Best Center boys team matapos talunin ang mga kalahok mula sa Spain, Samoa, Palestine, Romania, Lebanon at Hawaii.

Wagi ang koponan na binubuo ng National Capital Region player na sina Peeco Napenas, Adrian Malapo, Kennard Alde at Lanze Ronquillo; kasama pa sina Harvy Guevarra (Pampanga), Asher Vidal (Pangasinan), Pankie Capistrano (Lucena), Emmon Ferrer (Cabanatuan), Paul Barcelona (Bacolod), Zak Gumaya (Baguio), LJ Dellosa (CDO) at Lebron Lim (Zamboanga) sa tatlong drills laban sa kanilang Spanish counterparts mula Molina Basket Club.

Umiskor ang BEST Center Sports ng lima, anim at apat para sa hiwalay na kategorya na agility, ball handling at shooting drills para mauwi ang titulo.

Samantala kinapos naman ang girls team nina Ysabela Gonzales, Aishe Solis, Kharel Siapoc, Bonie Solis, Ava Fajardo, Issa Martires, Shinee Solis, Marga Villanueva, Princess Villarin, Shanna Nuguid, Ynnia Abella, Kyla Mataga at Julliene Galgana kontra sa PROformance ng Hawaii para sa gold medal.

Ang BEST Center, tinatag ni late national coach Nicanor Jorge noong 1978, ay siya ring Philippine Sportswriters Association Hall-of-Fame awardee at recipient ng Philippine Olympic Committee (POC) Olympism Award. (JAToralba)

The post Produkto ng BEST Center hari sa U17 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *