Problema, solusyon sa isinarang U-turn slots sa EDSA binusisi ng Kamara

Tinalakay ng House Committee on Metro Manila Development ang mga isyu hinggil sa pagsasara ng mga U-turn slot sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

The post Problema, solusyon sa isinarang U-turn slots sa EDSA binusisi ng Kamara first appeared on Abante.

problema solusyon sa isinarang u turn slots sa edsa binusisi ng kamara - Problema, solusyon sa isinarang U-turn slots sa EDSA binusisi ng Kamara
abante u turn slot - Problema, solusyon sa isinarang U-turn slots sa EDSA binusisi ng Kamara

Tinalakay ng House Committee on Metro Manila Development ang mga isyu hinggil sa pagsasara ng mga U-turn slot sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Inaasahang sa pamamagitan ng pagbusisi sa usapin ay mailalatag ang solusyon para sa kapakanan at kapakinabangan ng publiko ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ipinangako ni Manila Rep. Manuel Luis T. Lopez, chairman ng naturang komite na kakalkalin ng kanilang hanay ang iba’t ibang isyu na may kinalaman sa pagsasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga U-turn slot sa EDSA, gayundin ang panukalang bus-only flyover project.

“The traffic problem on EDSA has been a perennial one. It seems that this problem has now been compounded by the closure of U-turn slots. As we near the Christmas week, we will not be surprised if the problem worsens,” paghahayag ni Rep. Lopez sa opening speech nito kasabay ng idinaos na committee hearing.

“As always, our goal is to examine the policies, programs and implementation process of the various government agencies and branches, and see to it that these are in line with our principles of, as we mentioned in the beginning, good governance and genuine service to the public,” dagdag nito.

Inimbitahan ng komite ang mga pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan na nakatutok at nangangasiwa sa traffic management system gaya ng MMDA, Department of Transportation (DOTr), kasama rin ang key stakeholders at mga kinatawan ng public transport operator at mga tsuper pati na ang mga mananakay.

“We hope that this dialogue will bring about positive results and solutions, both on a short-term and long-term basis,” sabi ni Rep. Lopez.

Binanggit ni Rep. Lopez na natanggap ng komite ang kopya ng liham ni Quezon City Rep. Anthony “Onyx” Crisologo na ipinadala sa MMDA patungkol sa usapin gayundin ang mungkahi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na muling buksan ang mga U-turn slot sa EDSA.

“This committee, in conducting hearings, has always been guided by the principles of good governance, public interest and genuine service to our people. As of late, these principles are again put to test, as we have received numerous complaints pertaining to the closure of most of the U-turn slots in EDSA. All sectors, be it those from the public transport, passengers, and private car road users, are unanimous in voicing out their opposition to such U turn closure,” pagbibigay-diin ng kongresista na nagmula sa Tondo, Maynila.

“I understand, Rep. Onyx raised the complaints of his constituents who are inconvenienced by the volume of vehicles that clog-up from the North Avenue area up to Balintawak, from the time the U-turn slots in Trinoma, QC Academy, Panorama, and Dario River were closed. Later on, we will hear directly from Rep. Onyx, as he will be the one to give the details pertaining to the complaints in his district,” ayon pa kay Rep. Lopez.

The post Problema, solusyon sa isinarang U-turn slots sa EDSA binusisi ng Kamara first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *