Pro-NPA na NGO ipapasara ng DFA

KAILANGANG dumaan muna sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang donasyon ng mga bansa sa Europa bago ito mapunta sa non-government organizations (NGO) sa bansa.

The post Pro-NPA na NGO ipapasara ng DFA appeared first on Abante News Online.

pro npa na ngo ipapasara ng dfa - Pro-NPA na NGO ipapasara ng DFA
abante locsin - Pro-NPA na NGO ipapasara ng DFA

KAILANGANG dumaan muna sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang donasyon ng mga bansa sa Europa bago ito mapunta sa non-government organizations (NGO) sa bansa.

Binanggit ito ni DFA Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. upang makasiguro na walang pondong makakarating sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

Aniya, ang sinumang hindi susunod sa regulasyong ito ay kanilang ipapasara sa pamamagitan ng pagbawi ng kanilang registration sa Securities and Exchange Commission (SEC).

“Over a month ago I fired off a memo to all our European embassies to tell their host governments to clear any and all donations to their NGOs in the Philippines with the Department of Foreign Affairs. Or we will deregister them in the SEC. If that hasn’t been done do it now.” giit ni Locsin sa kanyang tweet kahapon.

Noong Marso, hiniling ni Locsin sa European Union (EU) na imbestigahan ang mga alegasyon na ang pondong ibinibigay nila sa mga local NGO ay napupunta lamang sa CPP-NPA.

Tumungo rin ng Belgium at ibang bansa sa Europa ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang putulin ang pagbibigay ng pondo sa mga organisasyon na nagsisilbing front ng CPP-NPA.

The post Pro-NPA na NGO ipapasara ng DFA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *