Principal rumelyebo sa construction worker

Sinaluduhan ng mga netizen ang isang school principal sa Buruanga, Aklan kung saan napiktyuran ito na busy sa pagsemento ng hagdan sa kanilang paaralan.

The post Principal rumelyebo sa construction worker first appeared on Abante.

principal rumelyebo sa construction worker - Principal rumelyebo sa construction worker
elmer - Principal rumelyebo sa construction worker

Sinaluduhan ng mga netizen ang isang school principal sa Buruanga, Aklan kung saan napiktyuran ito na busy sa pagsemento ng hagdan sa kanilang paaralan.

Sa viral post ng anak ni principal Elmer Lumbo, nakita na kahit gabi na ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang principal kahit labas na ito sa kanyang tungkulin.

59-anyos na ang school official ng Habana Integrated School, ngunit game pa rin ito sa mabibigat na gawain para masaayos ang pasilidad ng kanilang eskuwelahan.

Paliwanag nito, umuwi na ang mga construction worker na kanilang kinuha kaya naman ang principal na ang tumapos ng naturang trabaho.

Para kay Elmer, maliit na bagay lang ang kanyang ginawa at mas marami pang iba na dapat papurihan sa hanay ng mga guro at iba pang nasa pagtuturo.

“Let us work together for education and welfare of the Filipino children especially during this moment of challenges and uncertainties brought by the pandemic,” mensahe ng principal tungkol sa mga pumupuri sa kanya.

The post Principal rumelyebo sa construction worker first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *