Prince Harry, Duchess Meghan lalaki ang panganay

Ipinagbubunyi ng Great Britain ang pagsilang ni Duchess­ Meghan Markle ng Sussex ng isang malusog na sanggol na lalaki.

The post Prince Harry, Duchess Meghan lalaki ang panganay appeared first on Abante News Online.

prince harry duchess meghan lalaki ang panganay - Prince Harry, Duchess Meghan lalaki ang panganay
meghan 2 - Prince Harry, Duchess Meghan lalaki ang panganay

IT’S a boy!
Ipinagbubunyi ng Great Britain ang pagsilang ni Duchess­ Meghan Markle ng Sussex ng isang malusog na sanggol na lalaki.

Ayon kay Prince Harry, isinilang ang kanilang panganay ganap na alas-5:26 BST at natutuwa siyang ihayag na parehong nasa mabuting kalagayan ang kanyang asawa at anak.

Sa ngayon ay nag-uumapaw aniya ang kanilang kaligayahan sa pagdating ng kanilang panganay at nag-iisip pa sila kung ano ang ipangangalan nila sa sanggol.

“This little thing is absolutely to die for, so I’m just over the moon,” pahayag pa ng bagong tatay.

Ayon sa Buckingham Palace, ang sanggol na tumitimbang ng 3.2 kg ang siya ngayong kinagigiliwan at apple of the eye ng royal family.

Ang panganay nina Prince Harry ang ikawalong apo sa tuhod o great-grandchild ni Queen Elizabeth.

Ito ang ika-pitong susunod sa trono ng Palasyo kasunod ng Prince of Wales, Duke of Cambridge at mga anak nito na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis at ama nito na si Prince Harry.

The post Prince Harry, Duchess Meghan lalaki ang panganay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *